‘Permit to campaign’ ng CPP-NPA napatigil ng LGUs
MANILA, Philippines — Malaki ang naging papel ng mga local officials upang matigil ang pangingikil ng mga komunistang-terorista sa mga politiko sa nagdaang halalan.
Ito ang paniniwala ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa virtual press briefing ng NTF-ELCAC na tagumpay ang pagtigil sa pananakot na ginagawa ng mga rebelde.
Sinusugan ang ulat ni Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na walang mga politiko o local government unit (LGU) officials na pumayag at bumigay sa pangingikil o ‘permit to campaign’ ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ani Malaya, magandang ulat ito sa Pangulo lalo pa at dinagdagan ang babala bago pa maghalalan na mananagot ang sino man na bumigay sa ‘demand’ ng CPP-NPA-NDF na paglabag ng Republic Act 10168, kilala bilang “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012”, Section 261 ng Omnibus Election Code at Article 137 ng Revised Penal Code or the Disloyalty of Public Officers.
- Latest