^

Police Metro

1K reklamo vs vote buying, walang Testigo - Comelec

Danilo Garcia - Pang-masa
1K reklamo vs vote buying, walang Testigo - Comelec
Sa isang media briefing noong Sabado,iniulat ni Commissioner Aimee Ferolino na ang anti-vote-buying Task Force na ‘Kontra Bigay’ ay nakatanggap na ng mahigit 1,000 reklamo sa pamamagitan ng Facebook at email, ngunit marami sa mga alegasyon ang hindi sinusuportahan ng ebidensya.
File

MANILA, Philippines — Hindi umano maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa sumbong ng vote buying noong nakaraang halalan dahil walang gustong personal na tumestigo.

Sa isang media briefing noong Sabado,iniulat ni Commissioner Aimee Ferolino na ang anti-vote-buying Task Force na ‘Kontra Bigay’ ay nakatanggap na ng mahigit 1,000 reklamo sa pamamagitan ng Facebook at email, ngunit marami sa mga alegasyon ang hindi sinusuportahan ng ebidensya.

Karamihan umano sa mga reklamo ay nagpadala lamang umano ng ‘vote-buying’ videos, subalit walang kalakip na impormasyon kung saan at sinong kandidato ang nasa likod ng aktibidad.

May 49 sa mga reklamo ang nasala dahil sa may mga kalakip na ebidensya na masusing iniimbestigahan ng Task Force.

Para naman sa Law Department ng Comelec, higit sa 80 reklamo na ang kanilang natanggap at 73 sa mga ito ay ukol sa ‘vote buying’ mula pa noong Pebrero 9.

Sa 73 sumbong ng ‘vote buying’, 52 na ang inaksyunan, 12 ang idinocket, at ang iba ay isinasailalim pa sa ebalwasyon.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with