^

Police Metro

Nagwaging 12 senador, party-lists ipoproklama na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na kanilang itatakda sa Miyerkules, Mayo 18 ang proklamasyon ng mga nagwaging 12 kandidato sa pagka-Senador at mga party-list representatives sa katatapos na May 9 elections.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, na kung matatapos nilang bilangin nitong Linggo ang lahat ng natitirang Certificates of Canvass (COCs) ay maisasagawa na nila ang paghahanda para sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato ngayong Lunes at ang aktuwal na proklamasyon sa Miyerkules sa Philippine International Convention Center (PICC).

Nasa 149 mula sa kabuuang 173 COCs ang natapos nang i-canvass ng National Board of Canvassers (NBOC) nitong Sabado.

Ang natitira pang 24 na COCs ay binubuo umano ng 19 manual overseas COCs, isang manual COC mula sa Vulnerable Sector Office, isang manual COC mula sa 63 barangays, isang electronic COC mula sa Lanao del Sur, isang electronic overseas COC mula sa Hong Kong, at isang electronic COC mula sa Jordan.

Nilinaw naman ni Garcia na magdaraos pa ang Lanao del Sur ng isang special election na target sa Mayo 24, matapos na magkaroon ng failure of elections sa 14 barangays doon na hindi makakaapekto ang bilang sa mga boto ng mga kandidato.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with