^

Police Metro

618 pang kaso ng Omicron naitala ng DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health na mula sa 677 sample na na-sequence, 618 Omicron  variant case ang natukoy habang 35 naman ang Delta variant case sa huling batch ng whole genome ­sequencing ng Philippine Genome Center (PGC).

Ayon sa DOH, ang orihinal na Omicron ­lineage na B.1.1.529, at sub-lineage nito na BA.1 at BA.2 ay natukoy na rin sa bansa.

Ang maagang detection ng BA.2 sub-lineage ay natukoy noong December 31, 2021 at natuklasan na majority ng kaso sa huling batch ay Omicron.

Sa datos na nakalap ng DOH, UP-PGC, at UP-NIH, pinapakita na walang ­makabuluhang pagkakaiba sa BA.1 at BA.2 characteristic pagdating sa transmissibility o severity of disease.

Ang DOH ay patuloy na mag-iimbestiga kung bakit ang BA.2 ay ­naging mas laganap kaysa sa BA.1.

Ang 618 Omicron ­variant case ay binubuo ng  497 local case at 121 Returning Overseas Filipinos (ROFs).

Kaya’t umakyat na sa 1,153 ang kabuuang kaso ng Omicron variant sa bansa na kung saan ay lima na ang nasasawi.

vuukle comment

DOH

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with