2 tiklo sa higit P40 milyong ‘Tsaa-Bu’ sa Makati buy-bust
MANILA, Philippines — Dalawang katao ang naaresto sa isang drug buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Bryan Salceda, 26, construction worker, residente ng Conception St., Pasay City; at Jerome Gaje, 27, residente ng Estrella St., Pasay City.
Sa ulat ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa No. 3628 B. Hilario St., Barangay Palanan, Makati City sa buy-bust operation at nakumpiska ang 6 na kilong shabu na nagkakahalaga ng P40,800,000.00 milyon na nakabalot sa Chinese tea bag.
Ang drug operation ay isinagawa ng mga otoridad matapos madakip ang isang Aldren Mariscal, 21 at makuhanan ng P13.8 milyon ng shabu noong Martes sa Brgy. Bangkal, Makati City. - Doris Franche
- Latest