^

Police Metro

13 sundalo na security ni VP Robredo, sugatan sa aksidente

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang 13 miyembro ng Philippine Army 17th Scout Ranger Company nang sumabog ang gulong ng kanilang sasakyan sa Lamitan City, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat, bahagi ang mga nasabing sundalo na mga security ni Vice President Leni Robredro na dumalaw sa Lamitan City nitong Miyerkules.

Base sa imbestigasyon, alas-11:00 ng umaga nang bigla na lamang sumabog ang harapang gulong ng KM450 vehicle ng mga sundalo na nagdulot sa pagkawala ng kontrol ng driver.

Dahil sa pangyayari, nahulog ang sasakyan sa road canal ng Barangay Sengal, Lamitan City.

Agad dinala ang mga sugatang sundalo sa Lamitan District Hospital upang lapatan ng kaukulang lunas na ang dalawa dito ay na-dislocate ang braso at balikat habang ang dalawa ay nabali ang ribs.

vuukle comment

LENI ROBREDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with