NCR COVID-19 reproduction number bumulusok sa 1.2
MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research group na bumulusok sa 1.2 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region nitong Enero 19 mula sa 2.95 noong nakaraang linggo.
Pero, sa kabilang banda ay nananatiling nasa “very high risk,” classification ang rehiyon.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng taong nahahawaan ng COVID-19 kada isang kaso. Kapag mas mababa ito sa 1, nagpapakita na mabagal din ang hawaan ng virus.
Iginiit din ni David na ang one-week growth rate sa NCR ay umabot sa -42%, kung saan sinabi niya na ito ay “a clear downward trajectory” sa bagong COVID-19 cases.
Bumaba rin aniya ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR sa 72, ngunit nasa “very high level” ito.
Sinabi rin ni David na ang mga lalawigan sa labas ng NCR ay nasa very high risk, dahil sa mataas na ADAR.
- Latest