^

Police Metro

3 magkamag-anak niratrat sa bahay, patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong magkamag-anak habang lima ang ­nasugatan nang pagbabarilin ang kanilang bahay ng mga hindi pa kilalang suspek sa Brgy. Capaculan, Milagros, Masbate, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Benjie Padalhin Cataga; Jonel Dematillo Yerona; at Jeddah Raven Rosero Dizon habang sugatan sina Juanito Dumagit Cataga, Artemio Etcubanes Cataga, Michille Padalhin Cataga, Niño Cataga Rosero at Felomino Dizon, kapwa residente ng naturang barangay.

Sa ulat, alas-9:20 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang mula sa labas ay pinagbabaril sila ng mga hindi pa kilalang suspek na mabilis na tumakas.

Agad naman sinaklolohan ng mga kaanak at kapitbahay ang mga biktima na isinugod sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City pero hindi na umabot ng buhay ang tatlo.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pamamaslang ng hindi pa kilalang mga suspek.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with