^

Police Metro

7 siyudad, may ‘surge’ sa COVID-19 – OCTA

Pang-masa

NCR may pagbaba sa trend

MANILA, Philippines — May pagbaba ng trend sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) subalit pitong highly-urbanized cities (HUCs) naman ang nakitaan ng COVID-19 surge.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group sa kanyang Facebook account nitong Sabado, ang NCR ay nakapagtala na ng-30 na one-week growth rate ng CO­VID-19 cases.

Naobserbahan naman ang surge ng COVID-19 cases sa pitong HUCs na nakapagtala ng mataas na growth rate, kabilang dito ang Baguio City (137%); Iloilo City (208%); Cebu City (254%); Lapu-Lapu City (96%); Tacloban (142%); Davao City (299%); at Cagayan de Oro (236%).

Ani David, nakikitaan ng pagbagal ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit ang Angeles City na nakapagtala ng one-week growth rate na 16%; Lucena na may 26%; at Olongapo na may 14%, kum­para noong nakaraang linggo.

“HUC update. Decreasing in NCR, slowing in Angeles, Olongapo, Lucena.  Surging in Baguio, Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu, Tacloban, Davao City, CDO. Please continue to follow health protocols,” ani David.

Samantala, ang NCR ay “severe” pa rin ang average daily attack rate (ADAR) nitong Biyernes, na nasa 83.93%, gayundin ang Baguio City na nakapagtala ng 152.65 ADAR.

Nasa “high” pa rin naman ang infection o reproduction number sa NCR na nasa 1.38 habang ang iba pang nabanggit na HUCs ay mayroong “very high” na reproduction number.

Ang Davao City ang nakapagtala ng pinakamataas na reproduction number na nasa 4.04.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with