^

Police Metro

Nagpositibo sa self COVID test, mag-report sa barangay – DILG

Mer Layson - Pang-masa
Nagpositibo sa self COVID test, mag-report sa barangay � DILG
A health worker in protective clothes holds a Covid-19 antigen test on the novel coronavirus on September 23, 2020 in Vienna, on the sidelines of the Austrian Media Days.
AFP / George Hochmuth

MANILA, Philippines — Hinikayat ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga taong nagpositibo sa COVID-19 self-adminis­tered test kits na mag-report sa mga barangay officials sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, mas mainam na mag-report sa barangay ang mga ito upang maalagaan at mamonitor ang kanilang kalusugan.

Sinabi ni Diño na makatutulong din ang pagrereport nila sa barangay sa pagsasagawa ng contact tracing at upang mabigyan rin sila ng iba pang uri ng tulong.

Matatandaang dumarami na ang mga taong gumagamit ng self-administered COVID-19 antigen test kits kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

May ilan sa mga naturang pasyente ang hindi naman na nagrereport sa mga awtoridad kahit pa nagpositibo sila sa test at sa halip ay nagse-self isolate sa kanilang mga tahanan lalo na kung mild lamang ang nararamdaman nilang sintomas.

“Halimbawa nag-positive kayo, i-report niyo na sa barangay dahil unang-una, aalagaan kayo ng barangay,” paghikayat naman sa kanila ni Diño.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with