Unang araw ng ‘no vax, no ride policy’, maayos
MANILA, Philippines — Naging maayos sa pangkalahatan ang unang araw ng implementasyon ng ‘no vaccination, no ride policy’ sa National Capital Region (NCR).
Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at iniulat na mayroong 1,749 train commuters ang nagtangkang sumakay sa mga tren sa Metro Manila nang walang katibayan na sila ay fully-vaccinated na.
Sinabi ng DOTr na base sa ulat ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), na siyang mga pangunahing ahensiya na responsable sa pagpapatupad ng polisiya, ang unang araw ng implementasyon ng polisiya ay ginugol ng mga enforcers sa pagpapaliwanag sa mga commuters ng mga guidelines nito at naging cooperative naman at compliant ang mga commuters.
Sinabi naman ni Assistant Secretary for Road and Infrastructure Mark Steven Pastor na dahil unang araw pa lamang ng implementasyon ng polisiya, binigyan nila ng instruksiyon ang kanilang mga enforcers na warningan lang muna ang mga violators.
- Latest