^

Police Metro

Sesyon sa Senado at Kongreso, sinuspendi

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay sinuspinde ng Senado at Kongreso ang kanilang session.

Ayon kay Senate President Tito Sotto na nais muna ng Senado na pababain ang surge ng virus dahil maraming staff ng mga senador at secretariat ang nagpositibo at naka-quarantine kaya’t ang kanilang plenary sessions ay suspendido hanggang Enero 24.

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Ve­lasco, nagdesisyon ang liderato ng Kamara na isuspinde muna ang sesyon sa plenaryo sanhi ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 lalo na nga­yong may bagong banta ng Omicron variant.

Anya, simula ng taong ito ay umaabot na sa mahigit 70 miyembro at empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa virus habang maraming iba pa ang sumasailalim sa quarantine matapos na makaramdan ng sintomas habang ang iba pa ay close contact ng mga nagpositibo sa virus. - Joy Cantos

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with