^

Police Metro

COVID-19 deaths sa Pinas, mas mababa sa 2% global average

Danilo Garcia - Pang-masa
COVID-19 deaths sa Pinas, mas mababa sa 2% global average
Ang Philippine CFR na ito ay kapansin-pansing mas mababa kaysa sa 9% na CFR na iniulat sa Nikkei COVID-19 Recovery Index press release.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na ang case fatality rate (CFR) ng bansa hanggang nitong Disyembre 7, 2021 ay kasalukuyang nasa 1.61% at mas mababa ito sa global average na 2%.

Ang Philippine CFR na ito ay kapansin-pansing mas mababa kaysa sa 9% na CFR na iniulat sa Nikkei COVID-19 Recovery Index press release.

Idinagdag ng DOH na pagkatapos ng mga kaso at pagkamatay na nag-peaked noong Setyembre 2021, pareho silang patuloy na bumaba pagkatapos, kasama ang buwanang mga rate ng pagkamatay ng kaso.

Noong Oktubre 2021, mayroong 4,348 na pagkamatay at Oktubre 2021 CFR na 1.84% at isang bahagyang mas mababang bilang para sa Nobyembre 2021 na may 838 na pagkamatay at isang Nobyembre CFR na 1.81%.

Binanggit pa ng DOH na ang Philippine CFR na ginamit sa Nikkei COVID-19 Recovery Index ay ang rolling-average na CFR sa Our World in Data (OWID).

Ang 9% CFR na kinakalkula ng OWID ay batay sa bilang ng mga naiulat na pagkamatay bawat araw mula No­byembre 18 hanggang 27, 2021.

Subalit sa 2,096 na pagkamatay na iniulat para sa panahong iyon, 16% lamang ang naganap noong Nobyembre, habang 80% ang naganap sa pagitan ng Agosto hanggang Oktubre.

Dahil naman sa naantalang pag-encode, pagpapatunay, at pag-uulat ng impormasyon ng kamatayan sa COVIDKaya system kaya ang mataas na naiulat na pagkamatay nitong huling bahagi ng Nobyembre .

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ng pagbabakuna at pagpapabuti sa kapasidad sa healthcare system ay nag-aambag sa pagbaba ng CFR.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with