^

Police Metro

Tinapyas na 2022 budget ng NTF-ELCAC posibleng maibalik

Doris Franche - Pang-masa
Tinapyas na 2022 budget ng NTF-ELCAC posibleng maibalik
Paliwanag pa ng senador, ang malaking nabawas sa halaga ng budget ng NTF-ELCAC nang dumaan sa kanyang komite ay ang mabagal na pagsusumite ng report ng task force sa BDP nito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Posibleng maibalik ang tinapyas na P28.1 bilyon na 2022 budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng mga mambabatas dahil sa patuloy na panawagan ng mga lokal na opisyal at ang pagtalima ng task force na isumite sa Senado ang mga kaukulang dokumento sa pagpapatupad ng Barangay Development Program (BDP).

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman, Senator Sonny Angara sa 2022 Congressional Bicameral Conference Committee (Bicam) Hearing na ang “pagkaka-submit” ng ‘accomplishment report’ ng NTF-ELCAC hinggil sa BDP na siyang ‘flagship program’ ng task force, ang mismong nagkumbinsi sa kanya at sa iba pang mga senador na mahalaga pala ang programa lalo na para sa mga barangay na nasa malalayong lugar ng ating mga kanayunan.

Kung mangyayari ito, itutulak nila na ang karagdagan budget na ibibigay sa Bicam ay mapunta sa imprastrakturang aspeto ng BDP.

Paliwanag pa ng senador, ang malaking nabawas sa halaga ng budget ng NTF-ELCAC nang dumaan sa kanyang komite ay ang mabagal na pagsusumite ng report ng task force sa BDP nito.

At kanila namang napagtanto ang kadahilanan nito ay bunga ng malawak na sakop ng mga proyektong ipinatutupad nito sa buong bansa.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with