2 sakay ng tricycle dedo sa araro ng SUV
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi sina Nobelia Esto, 54 ng 004 Gulayan St. Brgy. Catmon; at Norberto Pinurla, 47 matapos tumilapon mula sa kanilang sinasakyang tricycle nang araruhin ng Mitsubishi Xpander (NPD-8114) na minamaneho ni Kim Russel Sioco, 26, ng 28 Interior F. Nicolas St. Niugan, Malabon City.
Sa ulat, binabaybay ni Pinurla ang Lambingan Bridge, alas-3:35 ng madaling araw nang masalpok sila ni Sioco dahilan para tumilapon sina Pinurla at Esto.
Nasugatan naman sina Shielo Escamillas, 44 driver ng Ford Lynx at Ericson Lala, 50 pasahero ng Honda City nang masalpok din sila ni Sioco.
- Latest