^

Police Metro

Incumbent Metro Manila mayors nangunguna sa 2022 elections survey

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanguna ang mga incumbent Metro Manila mayor sa isinagawang 2022 election survey ng rpmd.

Sa Quezon City ay malakas pa rin ang tiwala at kumpiyansa ng mga botante kay Quezon City incumbent Mayor Joy Belmonte kaya nanati­ling No. 1 choice na may 62% na suporta sa karera laban kay Mike Defensor na may 30% rating.

Sa Navotas ay si Mayor Toby Tiangco (82%) na tumatakbo para sa pagka-kongresista at kanyang kapatid na si Cong. Rey Tiangco (77%) sa pagka-alkalde laban sa mag-amang Gardy Cruz (7%) at RC Cruz (10%).

Sa Caloocan City ay si Cong. Along Malapitan na may 71% laban kay Cong. Egay Erice na may 28% rating sa pagka-alkalde.Sa Pasig City, ay top choice pa rin Mayor si Vico Sotto na may 67% laban sa challenger na si Vice Mayor Iyo Bernardo na may 32% voters preference.

Si Marikina Mayor Marcy Teodoro ay may 48% laban kay Cong. Bayani Fernando na may 41%;Cong. Ruffy Biazon na tumatakbong Mayor ng Muntinlupa City ay nakakuha ng 62% laban kay Marc Red Marinas na may 29% vote count.

Sa Taguig City ay lamang si dating Mayor Lani Cayetano na may 63% votes laban kay da­ting Cong. Arnel Cerafica na may 31% vote count sa karera para sa pagka-alkalde.

Sa Manila, nanguna sa pagka-alkalde si Vice Mayor Honey Lacuna na may 48% laban kay da­ting Rep. Amado Bagat­sing (31%) at Alex Lopez (14%). Sina Mayor Abby Binay ng Makati City (88%), Mayor Emi-Calixto Rubiano ng Pasay City (80%), Mayor Francis Zamora ng San Juan City (75%), Benjamin Abalos Sr. ng Mandaluyong City (84%), Rep. Weslie Gatchalian ng Valenzuela City (85%), Mayor Imelda Aguilar ng Las Piñas (85%), Rep. Eric Olivarez ng Parañaque City (65%) ay mga front-runners sa 2022 mayoralty race at walang kinakaharap na serious contenders.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with