^

Police Metro

5-11 anyos iprayoridad bakunahan para sa face to face classes

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iprayoridad ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata na may edad 5-11 bago payagan ang face-to-face (F2F)  classes.

Ito ang apela ni San Jose del Monte City  Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force (IATF) dahil kung ang F2F classes sa mga college level ay limitado lamang sa mga fully vaccinated na mga estudyante ay dapat ring magkaroon ng kahalintulad na proteksyon ang mga bata na nasa kinder at elementary schools.

“Ako po ay isang ina at alam ko ang damdamin sa ating mga anak kapag sila ay pumapasok sa eskwela lalo na ngayong panahon na ito na may naka-ambang virus na maaaring nilang makuha sa kanilang pagpasok. Ang mga may pilot run ng face-to-face classes ay mga bata na nasa 5 to 11 age group na hindi pa nabakunahan dahil wala pang bakuna na pinapayagan sa kanilang edad,” anang lady solon.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Robes ay wala pang mga vaccine manufacturer ang nakakapagsumite ng Emergency Use Application (EUA) para sa mga batang 5 hanggang 11 anyos.

vuukle comment

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with