^

Police Metro

Unang araw ng limited face to face classes sa NCR, maayos

Mer Layson - Pang-masa
Unang araw ng limited face to face classes sa NCR, maayos
Naging maayos ang unang araw ng limited face-to-face classes ng mga mag-aaral sa Pedro Cruz Elementary School sa San Juan City, kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Education (DepEd) na naging maayos ang unang araw ng pilot run ng limitadong face-to-face classes sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan,wala silang natanggap na anumang ‘adverse report’ mula sa mga pampublikong paaralan sa NCR na lumahok sa aktibidad.

Sinabi naman ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma na kontento ang DepEd sa mga protocol na inilatag ng mga paaralan sa Metro Manila.

Ilan sa mga naturang protocols ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at pagtiyak na may social distancing at paglalagay ng mga acrylic barrier sa kanilang mga desks na kung saan ay limitado rin lang ang bilang ng mga estudyante sa bawat silid-aralan.

Sinabi rin ni Garma na pagkakataon na rin  ito para ma-assess ang face-to-face classes sa rural at urban setting.

Matatandaang mahigit 2,000 estudyante mula sa 28 public schools mula sa NCR, ang kabilang sa 177 paaralan na pinayagan ng DepEd na lumahok na rin sa pilot run ng limited face-to-face classes kahapon.

Inaasahang ngayong buwan ay ipapasa ng DepEd sa Office of the President ang assessment sa pilot implementation ng face-to-face classes.

vuukle comment

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with