^

Police Metro

10 timbog sa P2.4 milyong shabu

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) at iba pang units ng pulis­ya ang sampung pinaniniwalaang drug traffickers kung saan nasamsam sa mga ito ang mahigit sa P2.4 milyong halaga ng droga sa buy-bust ope­ration sa Cainta, Rizal nitong Sabado ng umaga.

Sa report ng PNP-DEG, kinilala ang mga nasakoteng drug pushers na sina Marco Angelo Zarate, Twixx Leyson, Angelito “Junjun” Reyes, Dennis Reyes, Christian “Sam” Evangelista, Victor Dax Jose, Roderick “Dosong” Rendal, Janeth Salasibar, Marry Lou  Cruz at Allan  Garol.

Nakumpiskahan sa kanila ang nasa 300 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos mabulaga sa nasabing operasyon. Bago ito ay nagsagawa ng masu­sing surveillance operation ang pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon patungkol sa ilegal na aktibidades ng mga suspect.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nasakoteng suspect.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with