Buong Pinas nasa Alert Level 2 na
MANILA, Philippines — Isinailalim na ang buong Pilipinas sa Alert Level 2 matapos amiyendahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang metrics ng alert level classifications ng mga probinsiya, highly urbanized cities at independent component cities.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, inaprubahan din ng IATF ang paglalagay sa probinsiya ng Apayao mula sa Alert Level 3 sa Alert Level 2 simula kahapon, Disyembre 3 hangggang Disyembre 15.
Dahil sa pinakahuling pangyayari, sinabi ni Nograles na ang buong bansa ay nasa Alert Level 2 na at umaasa siyang magtutuluy-tuloy ito para maging maligaya ang Pasko ng mga mamamayan.
Sa ginawang pag-amiyenda sa metrics ng alert level classifications, tinanggal na ang one-week growth rate ng COVID-19 bilang basehan ng pagtaas mula Alert Level 1 sa Alert Level 2.
Sinabi naman ni Dr. Alethea De Guzman, Director of the Epidemiology Bureau ng Department of Health na ang buong bansa ay nasa “very low” hanggang “minimal classification” o minimal risk pagdating sa kaso ng COVID-19.
- Latest