^

Police Metro

Direktor ng ospital utas sa tandem

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang doktor ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Cagayan de Oro City.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa tama ng bala sa dibdib at leeg ay nakilalang si Dr. Raul Andutan, may-asawa na director ng Maria Reyna-Xavier University Hospital sa lungsod.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen, alas-11:40 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kanyang SUV galing sa kanilang bahay sa Brgy. Macasan­dig at pagsapit sa 12th-29th St., Barangay Nazareth ay biglang sumulpot ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela at nasalpok nito ang isang motorcycle rider.

Kilalang magaling na surgeon si Andutan kaya lubos ang kalungkutan ng CDO medical community habang ginagamot din ang motorcycle rider sa JR Borja Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa doctor.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with