^

Police Metro

Kotse sumalpok sa puno: 2 todas, 2 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival ang dalawang katao habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos su­malpok ang sinasakyang kotse sa isang puno sa Alabang-Zapote Road, sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Reynaldo Regalado Jr., 52, residente ng Doña Manuela Subdivision, Pamplona Tres, Las Piñas City; at Carl Jayson Sta Ana, 31, ng Kawit, Cavite.

Nasugatan ang dalawa pang sakay na sina Rona Mae Regalado Glean, 25; at Ronald Regalado Glean Jr. 16, kapwa residente ng Doña Manuela Subd, Pamplona Tres, Las Piñas City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), bago naganap ang insidente, alas-2:15 ng madaling araw ay minamaneho ni Regalado ang Toyota Vios (NAK 3082) patungo sa direksyon ng Alabang.

Sa tulin umano ng sasakyan ay unang bumangga ito sa gutter dahilan upang kumalas ang gulong at sumalpok sa puno na nasa tabi ng kalsada.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with