^

Police Metro

Sen. Go atras na sa presidential race

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Senator Bong Go ang pag-atras niya sa pagtakbong presidente sa May 2022 elections sa pagsasabing ayaw niyang bigyan pa ng problema si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi umano siya sanay sa madumi at mainit na klase ng pulitika.

Sinabi ni Go na hindi siya pulitiko at hindi nanggaling sa malaki o kilalang pamilya kaya hindi rin siya sanay sa madumi at mainit na klase ng pulitika.

“Marahil po’y hanggang dito lang po muna ako sa ngayon,” ani Go.

Ginawa ni Go ang pahayag, isang linggo matapos niyang aminin na naghihintay pa siya ng sen­yales mula sa Pa­nginoon kung itutuloy ang kanyang presidential bid.

Ipinaliwanag ni Go na maging ang kanyang pamilya ay tutol sa kanyang pagtakbong presidente at ayaw rin niyang malagay pa si President Duterte sa magulong sitwasyon.

“Ayoko rin pong lalong maipit si Pangulong Duterte. Higit pa po sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya,” ayon sa senador.

Ani Go, nakahanda siyang magsakripisyo para sa kabutihan ng bansa at alang-alang na rin sa pagkakaisa.

 “Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” idinagdag niya.

Magugunita na noong huling araw ng substitution ng kandidato ay binawi ni Go ang kanyang certificate of candidacy (COC) bilang bise presidente at kalaunan ay naghain ng kandidatura bilang pangulo na sinuportahan naman ni Pangulong Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with