^

Police Metro

Kuya dinedo ng bunso dahil sa ayuda

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 43-anyos na lalaki nang siya ay saksakin ng kanyang bunsong kapatid matapos magtalo sa ayuda, naganap, kamakalawa sa bayan ng Allacapan sa Cagayan.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ador Castro, magsasaka habang ang suspek na kapatid nito na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Jefferson Castro, 18, kapwa residente ng Barangay Dalayap sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinagsabihan umano ang biktima ng kanyang ama na mali ang kanyang paggastos sa natanggap na ayuda na binibili nito ng alak na naging dahilan naman ng kanilang pagtatalo.

Dito na namagitan ang suspek at iba pang kamag-anak hanggang sa ang dalawang magkapatid ang nag-away na humantong naman sa pananaksak.

Depensa ng suspek sa pulisya, may hawak umanong itak ang kanyang kuya na unang umatake kung kaya’t nasaksak niya ito gamit ang isang kitchen knife.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with