^

Police Metro

P378 milyong jackpot prize sa ultra lotto napanalunan ng taga-Oriental Mindoro

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Instant multi-milyonaryo ang isang lone bettor mula sa Oriental Mindoro nang mapanalunan ang tumataginting na mahigit P378 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 20-17-12-29-10-46 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P378,750,791.20.

Sinabi ni Garma na nabili ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa Calapan City, Occidental Mindoro.

Inaasahan namang makakakuha rin ang selling agents ng prize commission na 1% ng jackpot prize ngunit hindi lalampas sa P1 milyon.

Alinsunod naman sa TRAIN law, ang lotto winnings na mahigit sa P10,000 ay papatawan ng 20% final tax kaya’t inaasahang mahigit P300 milyon pa rin ang salaping maiuuwi ng nanalo.

Samantala, nasa 71 pang bettors ang nakahula ng limang tamang numero at nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize, habang 3,845 bettors naman ang nakakuha ng tig-2,000 na third prize dahil sa nahulaang apat na tamang numero.

vuukle comment

ULTRA LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with