^

Police Metro

75 vaccination sites ikinasa ng Manila LGU

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang suporta sa tatlong araw na National Vaccination Days ng pamahalaan sa Nob 29 hanggang Disyembre 1, naglaan na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng 75 vaccination sites para rito.

“Makikisa po ang inyong pamahalaang-lungsod ng Maynila sa panawagan ni Pangulong Duterte at IATF na tayo ay magbayanihan sa bakunahan, sa ating National Vaccination Day.To those who remain unvaccinated, whether Manilans or non-Manilans, please visit our vaccination sites,”
panawagan ni Manila Ma­yor at presidential aspirant Isko Moreno.

Kabilang sa mga paghahanda ang paglalagay ng 18 community sites para
sa first at second dose ng Pfizer ng mga minors na edad 12-17 at lahat ng brands para sa boos­ter shots ng mga health frontliners, seniors citizens at persons with specific comorbidities; apat na shopping malls para sa second dose para sa eligible minors; at anim na
city-run hospitals para sa first at second dose para sa eligible minors, first dose para sa A1 hanggang A5 categories, lahat ng brands
at booster para sa A1, A2 at A3, lahat ng brands.

Sinabi pa ni Moreno na tatlong private schools ang gagamitin din sa administration ng first dose para sa eligible minors, kabilang dito ang Manila Cathedral School, Holy Child Catholic School at La Consolacion College, Manila. Bukod pa ito sa 44 health centers na nakakalat sa mga pamayanan sa anim na distrito ng Maynila na magkakaloob din ng bakuna sa mga mamamayan.

Muli ay iginiit naman ni Moreno na paiiralin ang “open policy” sa mass inoculation sa Maynila na nanganga­hulugan na ang lahat ay welcome na mabakunahan kahit hindi residente ng lungsod.

Samantala, inanunsyo ni Moreno na ang latest batch ng pinakabagong
anti-COVID medicines na inorder nila noong isang buwan ay dumating na nitong weekend. Aniya, ang 6,600 tablets ng Baricitinib ay para sa moderate hanggang severe cases at tulad ng iba pang anti-COVID drugs na binili ng lungsod.

Ito ay ipamimigay ng libre sa lahat ng may kailangan maging residente man o hindi ng Maynila. Ang tanging requirements lang para makatanggap ng libreng gamot ay doctor’s prescription, RT-PCR positive result at photocopy ng valid ID ng pasyente o ng kanyang kinatawan. 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with