^

Police Metro

Magnanay nakuryente, patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-ina matapos na sila ay makuryente sa nakabiting kable sa Purok-6, Brgy. Balaba, Polangui, Albay, kamakalawa ng gabi.

Ang mag-inang nasawi ay kinilalang sina Lea Viola Regala, 34; at anak na si Ejay, 11, pawang residente ng naturang lugar. Sa salaysay ng isang Lanie Llaneta sa mga pulis ay nakita niya ang mag-ina, alas-6:00 ng gabi na nagtungo sa kalapit na batis para maligo.

Ilang sandali ay narinig nito ang palahaw ng mag-ina kaya agad niya itong pinuntahan at inabutan pang nakahandusay at nanginginig ang dalawa sa damuhan habang nakadikit sa putol na kable ng kuryente.

Mabilis na sinaklolohan ang mga biktima ng mga kapitbahay at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan, subalit hindi na umabot nang buhay.

Pinaniniwalaang unang nakuryente ay ang batang si Ejay nang madikit sa nakalambiting putol na kable mula sa poste na sinaklolohan ng ina kaya’t pareho silang nakuryente

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with