^

Police Metro

11 katao sa bahay ni Mayor Sara, nagpositibo sa COVID-19

Joy Cantos - Pang-masa
11 katao sa bahay ni Mayor Sara, nagpositibo sa COVID-19
Kinumpirma ni Mayor Sara na 11 sa 17 niyang mga kasama sa bahay ang na-infect ng virus nitong unang bahagi ng Oktubre kung saan ilan sa mga ito ang naospital.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang 11 katao kabilang ang mga bata at kasamahan sa bahay ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kinumpirma ni Mayor Sara na 11 sa 17 niyang mga kasama sa bahay ang na-infect ng virus nitong unang bahagi ng Oktubre kung saan ilan sa mga ito ang naospital.

Magugunita na noong Oktubre 19 ay kinumpirma ni Sara na nagpositibo siya sa COVID-19 sa kaniyang social media account at patuloy na nagpapagaling sa virus ilang araw naman matapos na makarekober na ang kaniyang mga kasamahan sa bahay.

Noong Biyernes ng nakalipas na linggo matapos na gumaling sa virus ay bumiyahe si Mayor Sara patungong Cebu.

Ito ang unang pagkakataon na inamin ng alkalde na marami ang na-infect sa kaniyang pamilya at iba pang mga kasama sa bahay bagaman karamihan sa mga ito ay bahagya lamang ang naramdamang sintomas habang ang iba pa ay asymptomatic maliban sa isang bata na ginamitan ng oxygen.

Inilahad ni Sara na noong una ay negatibo siya sa COVID-19 pero dahilan sa nakaramdam ng pangangati ng lalamunan ay muling nagpa-test kung saan nagpositibo siya sa virus bagaman bahagya lamang ang sintomas na naramdaman.

Ayon pa kay Mayor Sara, wala siyang ubo at sipon pero nawalan ng panlasa at pang-amoy. Nabatid pa na ang mga bata sa kanilang bahay na hindi naman bakunado ang unang na-infect ng virus at nahawa ang mga matatanda.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with