^

Police Metro

Unang natukoy sa bansang Mauritius bagong COVID-19 variant nasa Pilipinas na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bagong tuklas na variant ng COVID-19 na unang natukoy sa bansang Mauritius ang nakarating na sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nadiskubre sa isinagawang ‘whole-genome sequencing’ ang kauna-unahang kaso ng B.1.1.318 variant sa bansa.

Ang B.1.1.318 ay isang COVID-19 va­riant na under monitoring base sa klasipikasyon ng World Health Organization (WHO).

Ito ay nakita mula sa isang 34 anyos na lalaki na dumating sa bansa noong Marso 5 at Marso 10 naman nang makolek­ta ang sample nito mula sa Phi­lippine Red Cross at nakarekober sa sakit noong Marso 21. May travel history mula sa United Arab Emirates ang lalaking taga-Bacolod City.

Una itong natukoy sa Mauritius at mayroon itong 14 mutations, kabilang na ang mga nakita sa Delta at Beta variants ng COVID-19.

“This was initially identified or detected in Mauritius. Mayroon silang naging cluster of 120 cases do’n at nung kanilang na-sequence ay ito po ang lumabas. Itong variant under monito­ring na ito,” paliwanag ni Vergeire.

“Let me just reiterate, it’s a variant under monitoring. Lahat po pinag-aaralan sa ngayon. Wala po tayong cause to panic.Kailangan lang po maging vigilant pa rin tayo lahat and follow our minimum public health standards,” panawagan ni Vergeire.

Samantala, sa 746 samples na isinailalim sa sequencing, may 380 bagong kaso ng Delta variant ang natukoy, 166 bagong kaso ng Beta variant at 104 bagong kaso ng Alpha variant.

Umakyat ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa sa 4,811; Beta variant sa 3,479; at Alpha variant sa 3,042.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with