3-5 pangalan na susunod na PNP chief irerekomenda ng DILG kay Duterte
MANILA, Philippines — Nasa tatlo hanggang limang pangalan ang irerekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Duterte para sa susunod na magiging Philippine National Police (PNP) chief.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, napag-usapan ang pagpilit ng bagong PNP chief at humingi rin umano ng sapat na oras ang Pangulo upang pag-isipan kung sino ang papalit kay PNP chief Police Guillermo Eleazar na papalapit na rin sa kaniyang compulsory retirement sa Nobyembre 13 na tatapak na sa edad na 56.
Ayon kay Año, ang susunod na PNP chief na ang magiging pinakahuli sa administrasyon ni Duterte at mangunguna sa pwersa ng mga pulis sa paparating na Halalan 2022.
- Latest