30 public schools handa na sa face-to-face classes
MANILA, Philippines — May 30 public schools ang lalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes na nakatakdang idaos sa Nobyembre 15, 2021.
Ito ang iniulat ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma at mayroong kabuuang 638 paaralan sa buong bansa ang nagpahayag ng kahandaan na lumahok sa limitadong face-to-face classes.
Sa nasabing bilang, 59 paaralan ang nakapasa sa risk assessment ng Department of Health (DOH) ngunit 30 pa lamang sa mga ito ang matutuloy na sumali sa naturang dalawang buwang pilot run.
Nabatid na tatlo sa mga naturang paaralan ay nasa Bicol Region, tatlo naman sa Western Visayas, walo sa Central Luzon, walo sa Zamboanga Peninsula, anim sa Northern Mindanao, at dalawa sa Soccsksargen.
- Latest