^

Police Metro

Nilinaw ng Malacañang bakunadong señiors pwede na sa malls

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinapayagan nang pumasok sa malls ang bakunadong senior citizens nang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang paglilinaw dahil may mga mall ­operators na hindi pa rin nagpapapasok ng mga senior citizens o 60 taong gulang pataas kahit kumpleto na ang bakuna.

“Hindi natin binabawi ang incentives na ibinigay natin sa seniors na kapag sila ay vaccinated ay puwede silang pumunta [sa] mga malls at puwede silang lumabas ng bahay. Ganoon pa rin iyon,” pag­lilinaw ni Roque.

Ayon pa kay Roque, ang mga bata ang hindi pa pinapayagan dahil hindi pa kumpleto ang kanilang bakuna.

Halos lahat ng mga negosyong pinapayagan sa Alert Level 3 ay maaa­ring pumasok ang mga kumpleto na ang bakuna pero limitado sa 30% na kapasidad.

Nagbabala naman ang Department of Health (DOH) sa lahat ng pupunta sa mall para mag-shopping ay mag-ingat pa rin lalo na kung siksikan.

“Bagama’t marami na po sa atin ang fully-vaccinated, hindi pa po tayo pwedeng maging complacent at this point, let us remember na nakasalalay po sa atin kung tayo ay babalik ulit sa Alert Level 4 or kung babalik na naman sa cycle natin na tataas-bababa ang kaso,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Bukod sa mga malls, masikip na rin ang daloy ng trapiko dahil sa paglabasan ng mga pribadong sasakyan at dinagsa rin ang ibang mga pasyalan.

Sa huling datos ng kagawaran, bumaba sa 49% ang nationwide hospital COVID bed capacity habang nasa 62.3% naman ang intensive care unit utilization.

Naibaba na rin ang risk status sa malaking bahagi ng bansa maliban na lamang sa Zamboanga Peninsula na nananatili sa high-risk status matapos na makapagtala ng 70.29% hospital utilization rate at average daily attack rate na 9.24 kaso sa bawat 100,000 populasyon. - Danilo Garcia

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with