^

Police Metro

Pilot run ng F2F classes, tiniyak na magiging ligtas

Danilo Garcia - Pang-masa
Pilot run ng F2F classes, tiniyak na magiging ligtas
Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) na ipatutupad sa 120 paaralan sa bansa at ipaprayoridad ang mga Kinder hanggang Grade 3 level.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Magiging ligtas ang ­ipatutupad nilang ‘pilot run’ ng ‘face-to-face classes’ sa mga piling lugar na nasa ‘low-risk classification’.

Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) na ipatutupad sa 120 paaralan sa bansa at ipaprayoridad ang mga Kinder hanggang Grade 3 level.

Kailangan munang pumasa ang paaralan sa School Readiness Assessment ng Department of Education at lokal na pamahalaan bago umpisahan ang harapang klase.

Ayon sa DOH, nakabuo na sila ng DepEd ng mga mekanismo para matiyak na ligtas sa virus ang lahat ng lalahok sa pilot implementation hindi lang ang mga mag-aaral kundi maging ang mga guro, non-teaching staff at kanilang pamilya.

Kabilang dito ang ‘Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Reintegrate framework’ at nangangailangan ng kahandaan ng tubig, sanitasyon, tamang bentilasyon sa mga silid-aralan, lay-out para maipatupad ang ‘physical distan­cing’, pagprayoridad sa mga mag-aaral na higit na makikinabang sa face-to-face set-up, pamamahala sa kilos at mga paunang aktibidad bago ang ‘pilot testing’.

Bumuo rin ng mga  ‘contigency plan’ para sa iba’t ibang sitwasyon at kabilang dito ang mga aksyon na gagawin kung may pinaghihinalaang kaso na nagpapakita ng sintomas hanggang sa kung tumaas ang kaso ng COVID-19 sa naturang barangay at mga kalapit na lugar. 

Dito papasok ang polisiya na kailangang isailalim sa lockdown ang paaralan.

Inaasikaso na rin ng DepEd at ng DOH ang pagpapabakuna sa mga lalahok na mga guro at iba pang tauhan sa pilot run.

vuukle comment

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with