^

Police Metro

NCR ‘high risk’ pa rin sa COVID-19 Kahit bumaba ang reproduction rate

Danilo Garcia - Pang-masa
NCR �high risk� pa rin sa COVID-19 Kahit bumaba ang reproduction rate
Ito ang sinabi ng OCTA Research Group kung ang pagbabatayan ay ang indicators na ginagamit ng COVID Act Now.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kahit pa may mga ulat na bumaba na ang reproduction number sa Metro Manila ay maikukunsidera pa rin umanong high risk sa COVID-19.

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group kung ang pagbabatayan ay ang indicators na ginagamit ng COVID Act Now.

Sa larawan na inilabas ng grupo kahapon ay nasa average na 4,220 pa rin ang arawang kaso ng COVID sa nakalipas na isang linggo at may growth rate naman na-20% at reproduction number na 0.94.

Patuloy umano itong bumababa pero ipinunto ng grupo na nasa mataas na lebel pa rin ang positivity rate ng COVID o dami ng mga nagpoposi­tibo sa isinasagawang testing.

“The positivity rate in the NCR (National Capital Region) over the past seven days was 19 percent, which is considered high,” ayon sa OCTA.

Nangangahulugan lamang ito na sa bawat 10 tao na isinasailalim sa COVID testing ay mayroon dalawa na nagpopositibo.

“Using [the] Covid Act Now guidelines, NCR remained as high risk [for COVID-19],” dagdag pa ng grupo.

Ginagamit ng OCTA ay ang mga indicators mula sa COVID Act Now na na-develop ng Harvard Global Health Institute, Apple, Microsoft, at Bloomberg upang malaman kung high risk pa rin ang isang lugar. - Michael Punong­bayan

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with