^

Police Metro

4 sa 11 pumugang preso todas sa shootout

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat sa 11 preso na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bigong jailbreak, habang sugatan ang isang jailguard kahapon sa Liangga Jail District sa Surigao del Sur.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesman Chief Insp. Xavier Solda, ang mga nasawing Person Deprived of Liberty ay hinihinalang miyembro ng communist terrorist group na NPA na nagawang makumbinsi ang iba pa (PDLs) upang isagawa ang nasabing pagtakas.

Nabatid na naganap ang shootout, dakong alas-7:00 ng umaga kahapon nang atakihin ng 11 preso ang mga jailguards na nagbukas ng gate para sa ihahandang almusal.

Sinabi ni Solda na na-overpower ng 11 nagtangkang tumakas ang naka-duty na jailguard kaya nakalapit sa second gate. Nagwarning shot ang duty jailguard subalit sinugod din ng mga preso.

Agad namang rumesponde ang iba pang duty personnel na nagresulta sa palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang apat habang sugatan ang isang  jailguard dahil sa tinamong saksak.

 “Magbabantay pa rin kami ng mabuti sa aming pasilidad at magsisilbi kami sa ating mga PDL sa abot ng aming makakaya upang matulungan natin sila sa kanilang pagbabagong buhay,” dagdag pa ni Solda. - Mer Layson

vuukle comment

NPA

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with