^

Police Metro

4 pusher timbog sa higit P3 milyong droga

Angie dela Cruz - Pang-masa
4 pusher timbog sa higit P3 milyong droga
Naaresto ng mga tauhan ng QCPD-Station 2 Drug Enforcement Unit ang dalawang drug pusher sa isang buy-bust operation sa Barangay Damayan, Quezon City at nasamsam ang nasa 150 gramo ng suspected shabu na may estimated street value na P1-M.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang apat na drug pusher sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa Quezon City nadakip ang dalawang suspek na sina John Noel De Vera, alyas Wang, 19, binata, at Rhay Van Lumanog, alyas Van, 20, binata, ng Brgy. Bahay Toro.

Sa ulat, alas-11:15 ng gabi nang ikasa ang drug operation sa harap ng Congressman Reynaldo A. Calalay Memorial Ele­mentary School (CRACMES) na matatagpuan sa F. Bautista St., Brgy. Damayan, Quezon City at dito na dinakma ang dalawang suspek at nakumpiska ang 22 piraso na plastic sachet na nag­lalaman ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,0000, dalawang zip lock plastic na may laman na 1 kilo ng marijuana na may hala­gang P120,000 at buy-bust money.

Nasabat naman ng Navotas City Police ang nasa P2.4 milyong halaga ng marijuana sa dalawang ‘tulak’ sa buy-bust operation, alas-9:20 ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Ali James Erese alyas “Ali”, 20 ng 99 4E Hermosa St., Brgy. 200, Manila; at Joseph Raven Cotejo, 22, ng Sitio Wawa 3, Brgy. Salinas, Rosario, Cavite. - Doris Franche

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with