^

Police Metro

Bentahan ng face shield bagsak-presyo na

Danilo Garcia - Pang-masa
Bentahan ng face shield bagsak-presyo na
Patuloy ang pagsunod ng mga residente ng Baguio City sa pagsusuot ng face masks at face shields para maprotektahan ang kanilang sarili sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Andy Zapata

MANILA, Philippines — Matumal at bagsak-presyo na ang mga ibini­bentang face shield sa Divisoria matapos luwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit sa face shield na kung saan hindi na oobligahin ang pagsusuot kung nasa labas ng bahay.

Matatandaang sa mga lugar na nasa ilalim ng kategoryang 3Cs, o closed, crowded at close contact areas na lamang kailangan magsuot ng face shield.

Halimbawa na lamang sa Divisoria, marami na agad na mga mamimili ang hindi nagsusuot ng face shield sa kanilang paglabas ng bahay.

Matinding dagok naman sa mga tindero ng face shield ang paglagpak ng presyo nito na ngayon ay nasa anim na piso na lamang kada piraso ang benta nila.

Ayon sa isang  vendor ng face shield na binabaan na nila ang presyo na mula sa P7 hanggang P10 ay nasa P5 hanggang P6 na lamang ang bentahan nila.

Anya, kung dati-rati ay umaabot sa 5,000 piraso ng face shield ang kanyang nabebenta kada araw ngayon ay ilang piraso na lamang ang kanyang nabebenta.

Magugunita na na­ging argumento kamakailan kung epektibo ang paggamit ng face shield na maging ang World Health Organization ay walang rekomendasyon sa paggamit nito.

vuukle comment

FACE SHIELD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with