^

Police Metro

Duterte pormal nang tinanggap ang nominasyon bilang VP candidate

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy na ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang vice president sa 2022 elections matapos niyang pormal na tanggapin ang nominasyon ng PDP-Laban Cusi faction.

Sa mga larawang ipinalabas ng PDP-Laban Cusi faction na nilalagdaan ni Pangulong Duterte ang Certificate of Nomination Acceptance (CONA) para kumpirmahin ang kanyang pagtanggap sa nominasyon.

Matatandaang, Set­yembre 8 nang “verbal” na tanggapin ng Pangulo ang nominasyon sa kanya na tumakbo bilang bise-presidente.

Ang nasabing petsa ay araw ng national assembly ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Para sa Pangulo, ni-nomina rin ng paksyon si Senador Bong Go bilang pangulo, subalit hayagang tinanggihan nito ang nominasyon.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with