5 teroristang NPA dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng militar ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang magsagupa sa Sitio Cogon-Cogon, Barangay Manalog, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay 4th ID Philippine Army spokesperson Maj Francisco Garello Jr. nang magsagawa umano ang tropa ng 1st Special Forces Batallion at 8th IB, Philippine Army ng focused military operation ukol sa reliable information mula sa mga sibilyan ang pinagkukutaan ng National Operations Command ng CPP-NPA, KOMMID at Regional Operations Command, Headquarters Forces Neo, Regional Sentro De Gravidad Compaq at Guerilla Front 89 ng North Central Mindanao Regional Committee.
Nang pasukin ng mga tropa ng pamahalaan ang nagsilbing hideout ay nagkaroon ng palitan ng putok sa 15 miyembro ng NPA na nagresulta ng pagkasawi ng limang rebelde.
Umatras ang mga rebelde at naiwan ang 12 matataas na kalibre ng baril sa encounter site na kinabibilangan ng anim na AK47 rifles, dalawang M16 rifles, tatlong M653 rifles, caliber .45 pistol at ibang kagamitan pandigma.
Wala namang naiulat na sugatan o nasawi mula sa panig ng gobyerno.
- Latest