^

Police Metro

1 patay 9 pari, 16 kawani ng seminaryo nagpositibo sa COVID-19

Angie dela Cruz - Pang-masa
1 patay 9 pari, 16 kawani ng seminaryo nagpositibo sa COVID-19
Kaya pansamantalang­ isinara ang Christ the King Mission Semi­nary­­ na matatagpuan sa E. Rodri­­guez Avenue, Quezon City.

MANILA, Philippines — Isang pari ang naiulat­ na nasawi sa CO­VID- 19 matapos magpo­sitibo ang siyam sa kanila at 16 kawani ng seminaryo sa Quezon City.

Kaya pansamantalang­ isinara ang Christ the King Mission Semi­nary­­ na matatagpuan sa E. Rodri­­guez Avenue, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Di­sease Surveillance Unit (QCESU), halos kalahati ng populasyon ng seminaryo ay infected ng virus.

Sinabi ni QCESU Chief Dr. Rolando­ Cruz, ang pasilidad na may po­pulasyon na 59 katao at ang 34 dito na nasuri ay negative sa virus at ang 25 ay nagpositibo kabilang ang 9 na pari at 16 na empleyado.

Sa ulat ng QCESU, nitong September 18, ang 11 sa nagpositibo ay gu­maling habang 13 ay nananatiling active ang kaso at isang pari ang namatay.

Nilinaw ni Cruz na  sa loob ng seminaryo ay naroon ang Villa Cristo Rey at Fininman Building­ na naisailalim sa Special Concern Lockdown (SCL) mula September 18.

Sa ngayon ay apat ng religious facilities ang naka-lockdown dahil sa hawaan sa virus. Ang tatlo ay  ang Stella Maris Convent (mula September 10), Religious of the Virgin Mary (September 14), at Convent of the Holy Spirit (September 15).

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with