Bakunadong guro isabak sa F2F classes
MANILA, Philippines — Mga ‘fully vaccinated na mga guro laban sa COVID-19 ang isabak sa pilot face-to-face classes.
Ito ang iminungkahi kahapon ni Deputy Speaker at 6th District Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa Department of Education (DepEd) sa gitna na rin ng plano ng pamahalaan na magsagawa na ng pilot face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso o konti lamang ang naitalang kaso ng COVID-19.
Sa buong mundo na naapektuhan ng COVID-19 ay tanging ang Pilipinas pa lamang at Venezuela ang hindi pa nakakapagsagawa ng face-to-face classes.
Gayunman, ayon kay Abante ay dapat pa ring iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante upang hindi mahawa ang mga ito sa COVID-19.
Inihalimbawa ni Abante, base sa report ng US Centers for Disease Control and Prevention na isang hindi bakunadong guro ang nakahawa ng COVID-19 Delta variant sa kalahatian ng klase nito sa isang elementary school sa California,
Ang dalawang buwang pilot test para sa in-person classes ay lalahukan ng 100 guro sa public schools na nakapasa sa “readiness assessment” habang nasa 20 private schools na kasalukuyan pang isinasailalim sa pag-validate ng DepEd at ng Department of Health.
- Latest