^

Police Metro

Duterte kay Gordon: Tama na ang pamumulitika mo!

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte kay Gordon: Tama na ang pamumulitika mo!
Sen. Richard Gordon said he was wondering why President Rodrigo Duterte was making claims about his 2022 electoral campaign – supposedly using funds from the Philippine Red Cross (PRC) – when he has not made any announcement on future political plans.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binuweltahan muli ni Pangulong Rodrigo Du­terte si Sen. Richard Gordon at sinabihan na tama na ang gina­gawa nitong pa­mumulitika.

Anya, sawa na ang tao sa style ni Gordon at nasagot na lahat ng isyu tungkol sa sinasabing over­priced na medical supplies katulad ng face mask, face shield at iba pang personal protective equipment (PPEs).

“Nasagot na namin lahat. Tama na ang pamumulitika mo. Sawa na ang mga tao sa style ninyo. Magtrabaho na lang kami. Ito naman dapat talaga ang isyu diyan: Mayroon bang overpricing? Sabi ng COA wala. Mayroon bang ghost deliveries? Sabi ng COA wala. Ano pa ang gusto mong hanapin? Mag­sabi ka para malaman na­­min, mahanap namin kung ano ‘yung hinahanap­ mo,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na sabihin lamang ni Gordon kung ano pa ang kulang dahil nagiging witch-hunt na ang im­bestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Nauna rito, muling ipi­naliwanag ng Pangulo na naging mabilisan ang pagbili ng mga PPEs dahil mayroong pandemya at kailangang bilisan ng gobyerno ang kilos.

Ayon pa kay Duterte, kulang ang suplay noong nagsisimula pa lamang ang pandemya at kailangang protektahan ang buhay ng mga health workers.

Binanggit din ng Pa­ngulo na mabuti pa ang mga senador na mga na­kaupo lamang at batikusin ang gob­yerno kapag ma­bagal ang kilos.

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with