^

Police Metro

Tatlong programa ng QC-LGU, napili para sa Galing Pook Awards

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong programa ng Quezon City government ang napili bilang fina­lists para sa Galing Pook Awards ngayong taon.

Ang patimpalak ay isang natatanging awards program na kumikilala sa mahusay na pagkakaloob ng serbisyo ng isang lokal na pamahalaan sa kanyang komunidad.

Ngayong taon ang tema ng programa ay “GobyerNEW: Magaga­ling na Programa mula sa Magagaling na Pook,” na sesentro sa programa ng mga local government units (LGUS) na may mahusay na adaptiveness, innovation, resiliency, at excellence sa pangangalaga sa lokalidad lalo na ngayong panahon ng pandemic.

 “We are truly proud of these programs because of how they greatly influence and change the lives of our QCitizens. We are happy because amid the pandemic, we were able to continue providing social services that went beyond the COVID-19 response,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Isa sa napiling programa ng QC LGU ay ang Quezon City Human Milk Bank (QCHMB) na tumutulong sa mga bagong panganak na sanggol na magkaroon ng gatas ng ina na malaking tulong para sila ay mabuhay.

Noong 2020, ang QCHMB ay nakatulong sa may 5,023 sanggol at hindi lamang sa QC kundi tumutulong din sa ibang lugar na nangangailangan ng gatas ng ina na may 979,624ml of pasteurized human milk para sa mga nangangailangang sanggol.

Kinilala rin ang patuloy na pagkakaloob ng ayuda ng QC government sa mga batang may kapansanan sa pamamagitan ng kanilang community-based rehabilitation program na tinawag na Kabahagi Center for Children with Disabilities.

Nitong June 2021, mayroong 1,339 kabataan na may kapansanan ang na-profile ng disability focal persons at dito ay may 1,163  ang tumanggap ng serbisyo sa Kabahagi Center; may 1,240 therapy services ang nakinabang na mga kabataan at ang pamilya ng mga batang may kapansanan ay mayroong dagdag benepisyo tulad ng livelihood training at educational workshops. 

Isa sa pangunahing advocacies ng lokal na pamahalaan ng QC ay ang kanilang multi-sectoral at community-based food security program  na tinawag na GrowQC: Kasama ka sa Pag-unlad sa Pagkain, Kabuhayan at Kalusugan Food Security Program na nailunsad sa kasagsagan ng pandemic noong April 2020 na layunin na makopo ang  United Nations Sustainable Development Goals (SDG) #2 - Zero Hunger, SDG#3 - Good Health & Well-being, SDG#8 - Decent Work & Economic Growth, at SDG#17 - Partnership for the Sustainable Development Goals.

Kinilala naman ni ­Mayor Belmonte ang mahalagang papel ng lahat ng stakeholders hinggil sa naging tagumpay ng pagpapatupad ng naturang mga programa.

 Sampu ang nanalo sa kabuuang 22 finalists mula sa roster ng  280 entries na takdang parangalan sa October 20, 2021.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with