^

Police Metro

Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila posibleng bumaba sa 2K kada araw sa Oktubre

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng abutin na lamang ng 2,000 kada araw ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Ito ang pagtataya ng OCTA Research Group bunga na rin ng trend ng pagbaba ng kaso ng virus  sa Metro Manila.

Ayon sa grupo, bagama’t maikokonsi­derang nasa high risk pa rin ang Kalakhang Maynila patuloy naman ang may baba ng arawang kaso ng virus.

Tinataya din ng grupo na hanggang sa katapusan ng Setyembre ay aabot na lamang sa 4,000 ang arawang kaso sa Metro Manila.

Sa latest monitoring ng grupo, bumaba sa 5,136 ang average na arawang COVID-19 cases sa Metro Manila  noong Setyembre 14 hanggang 19 na nagpapakita na mas mababa ito ng  13 percent sa  arawang kaso ng Covid -19 na 5,916  noong Setyembre 6 hanggang September 12 sa rehiyon.

Bumaba rin ang reproduction number sa NCR  na pumalo sa 1.14 mula sa 1.37 noong nagdaang linggo at nagkaroon din ng pagbaba ng may 23 percent mula sa 25 percent ang 7 day positi­vity rate sa NCR.

Muling nilinaw ng OCTA na naabot na ang peak ng COVID-19 sa Metro Manila dahil nagkakaroon na umano ngayon ng indikasyon ng pagbaba ng kaso sa virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with