^

Police Metro

Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa - OCTA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa - OCTA
Vendors and other individuals working at the night market queue for their second dose of COVID-19 vaccine in Divisoria, Manila during the night vaccination program of the local government on Aug. 2, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tuluyan pang bu­maba ang reproduction rate ng COVID sa Metro Manila.

Kaugnay nito, naniniwala ang OCTA Research group na ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 o ‘peak’  nito ay posibleng naabot na nitong nakaraang linggo ng National Capital Region (NCR) kaya’t dapat na mapanatili naman ang  patuloy na pagbaba nito.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Sabado, bumaba na aniya ang reproduction rate o hawaan sa Metro Manila na nasa 1.22 na lamang ang naitala subalit kailangang panatalihin naman ang pagsisikap na maipatupad ang mga pag-iingat upang hindi na umakyat pa ang bilang ng mga kaso.

“Early indications are that the surge may have already peaked in the NCR, but efforts must be sustained to ensure the trend continues downward,” ani Guido.

Gayunman, hindi pa naman ito makukumpirma dahil may mga backlog pa na dapat alamin.

Sa pag-aanalisa sa trend, ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR nga­yong taon, sinabi ng OCTA group na bukod sa pagbaba ng COVID-19 reproduction number, bumaba na rin ang positi­vity rate ng rehiyon sa 24% o mga nagpopositibo.

Samantala, kinontra naman ito ng Department of Health (DOH) na nagsabing sa kanilang pag-analisa hindi pa naabot ang ‘peak’ ng virus at posible pa itong tumaas. - Ludy Bermudo

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with