^

Police Metro

12-anyos na nene, binoga ng amain

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahilan lamang sa natanggal na koneksyon ng internet, nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 12-anyos na dalagita makaraan itong barilin ng live-in partner ng kaniyang ina sa Imus City, Cavite, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marian Angelica Fortos na nasa kritikal pang ka­lagayan sa pagamutan.

Nakilala naman tumakas na suspect na si Reynaldo Managan.

Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office, naganap ang insidente sa tahanan ng biktima sa B4, Lot 31, Molave Street, Westwood, Brgy. Alapan 1-B, Imus City dakong alas-7 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nanonood ng television ang suspect nang biglang mawalan ng signal bunsod upang lumabas ito ng kuwarto at tingnan ang koneksyon.

Dito na nadiskubre ng suspect na binunot ng biktima sa plug ang internet cable kaya pinagmumura ito ng una  na narinig naman ng ina ng bata na si Michelle Palarca na abala sa trabaho sa kanilang kusina.

Bunsod nito nagka­roon ng pagtatalo sa pagitan ni Palarca at ng kaniyang live-in partner kung saan bumunot ng baril ang suspect at pinagbalingan ang bata na siyang binaril nito.

Nang makitang duguang humandusay ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin na siyang ngayong target ng manhunt operation ng pulisya.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with