^

Police Metro

Lalaki patay sa baril ng kaibigang pulis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 31-anyos na lalaki matapos umanong aksidenteng mabaril ng kaibigang pulis habang silay ay nagkukuwentuhan matapos ang kanilang inuman, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jayson Capistrano, binata, delivery rider, at nakatira sa No. 2851 P. Fronda Street, Gagalangin, Tondo.

Kusang-loob namang sumuko sa Raxabago Police Station 1 ang suspek na si PCpl Oliver Ferrer, 31, binata, nakatalaga sa naturang istasyon at nakatira sa Malaya Street, Balut, Tondo.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:45 ng gabi ay katatapos lang mag-inuman ng grupo ng suspek at biktima at nagkukuwentuhan na lamang sa likuran ng barangay hall ng Brgy. 183.

Habang nag-uusap, binunot ni Ferrer ang kaniyang baril, at pabirong itinutok sa biktima na bigla namang pumutok.

Nabatid na magkaibigan umano ang biktima at suspek habang wala ring pagtatalo na naganap bago ang pagputok ng baril.

Ang pulis ay nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with