^

Police Metro

1 namatay 22 katao sa isa pang kumbento, nagpositibo sa COVID-19

Angie dela Cruz - Pang-masa
1 namatay 22 katao sa isa pang kumbento, nagpositibo sa COVID-19
Ayon sa Quezon City Epidemiology and Di­sease Surveillance Unit (QCESU), ang ikalawang kumbento ay ang Convent of Holy Spirit sa Barangay Immaculate Conception na kung saan sa 22 na nagka- Covid ang 13 dito ay madre habang 9 ay mga staff ng kumbento.
Image by Daniel Roberts from Pixabay

MANILA, Philippines — Nasawi ang isa sa 22 na positibo sa COVID-19 sa isa pang kumbento sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Di­sease Surveillance Unit (QCESU), ang ikalawang kumbento ay ang  Convent of Holy Spirit sa Barangay Immaculate Conception na kung saan sa 22 na nagka- Covid ang 13 dito ay madre  habang 9 ay mga staff ng kumbento.

Nabatid sa nasabing bilang ang 14 dito ay fully-vaccinated habang ang walo ay hindi pa nababakunahan.

 Sinabi ni QCESU Chief Dr. Rolando Cruz, ang kumbento ay may 90 individuals na ang 46 ay na-swabbed noong September 10 habang ang iba ay ayaw magpa swab test.

Sa 46 na na-swabbed lumabas na 25 dito ay negative at 21 ang positive sa virus.

Sinasabing ang namatay ay isang Physical Therapist na na-exposed sa isang madre na unang tinamaan ng COVID-19.

Inatasan na ni Mayor Joy Belmonte ang QCESU na subaybayan at magsagawa ng imbentaryo sa lahat ng closed-setting at long-term care facilities sa lungsod para maiwasan ang COVID-19 outbreak sa ganitong pasilidad.

Ang mga closed setting facilities ay tulad ng kumbento, bahay ampunan, nursing homes, homes for the aged, rehabilitation centers, shelters for street children, halfway homes for victims of violence and abuse, hospices, at correctional facilities.

Nabatid na ang unang kumbento na may COVID-19 case ay ang Religious of the Virgin Mary Convent at ang ikalawang kumbento ay pawang nasa ilalim na ng special concern lockdown.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with