^

Police Metro

91% ng probinsya, siyudad sa Pinas ‘high risk’ sa COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa
91% ng probinsya, siyudad sa Pinas �high risk� sa COVID-19
Sa nasabing bilang, 82 porsyento rito ang may mataas na health care utilization at intensive care utilization rate pagdating sa mga COVID-19 patients.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na itinuturing pa ring high risk sa COVID-19 ang 91 porsyento ng mga probinsya at siyudad sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 82 porsyento rito ang may mataas na health care utilization at intensive care utilization rate pagdating sa mga COVID-19 patients.

Ang fatality rate naman o antas ng mga nasasawi sa mga matatanda dahil sa COVID ay nanatiling mataas.

Higit na mababa ito sa 0.30% fatality rate para naman sa mga nasa edad 49-taong gulang hanggang isang taong gulang.

“Kaya idinidiin po natin na sa bakunahan, ang lagi po nating bibigyang prayoridad ay ang mga A2 or the senior citizens,” ayon kay Duque.

Nitong Setyembre 7, nasa apat na milyon nang senior citizen ang nabakunahan habang 3.42 milyon ang kumpleto na ng doses.

Ayon naman sa World Health Organization (WHO) na nasa 3.6 milyong senior citizen pa sa bansa ang hindi nakatatanggap ng kahit isang dosage ng bakuna.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with