Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba pa sa 1.28
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng OCTA Research Group ang patuloy na pagbaba ng hawaan o reproduction number ng COVID-19.
Anya, Setyembre 16 kung saan mula sa 1.34 na iniulat nito kahapon ay nasa 1.28 na lamang ito ngayon at sakop nito ang hawaan ng COVID simula Setyembre 9 hanggang 15.
Idinagdag pa ng OCTA, sa nakalipas na linggo ay mayroong average 5,819 daily COVID cases ang Metro Manila at mayroong growth rate na 9%.
Mayroon rin na nairehistrong daily attack rate na 41.66 cases sa kada 100,000 populasyon at positivity rate na 25%.
Umaasa naman ang grupo na maging epektibo ang implementasyon ng pilot testing ng alert level system sa Metro Manila kontra COVID-19.
- Latest